Umabot sa 22 katao na pawang kalalakihan ang nalason matapos kumain ng karne ng aso sa Barangay Daldagan, bayan ng Galimuyod, Ilocos Sur nitong Sabado ng gabi.

Sinabi ni Senior Inspector Napoleon Eleccion, ng Galimuyod Municipal Police Station, may sakit ang aso na kinatay ni “Anton” at iba pang kasama ng nasabing barangay at niluto.

Matapos maluto ang karne ng aso, pinulutan nila at ipinamigay naman sa ilang kapitbahay ang iba pa upang ulamin hanggang sa nakaramdam sila ng sakit sa tiyan, nahilo at nagsusuka.

Ayon sa pulisya agad itinakbo sa St. Martin de Pores Hospital ang mga biktima at kinumpirma na nalason ang mga ito sa kinain nilang karne ng aso.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Hindi na kinilala ng pulisya ang mga biktima habang tinitingnan ngayon kung ang dapat managot sa pagkatay ng aso na paglabag sa Animal Cruelty Act.