Kathryn Bernardo

HINDI kasama ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa Wansapanataym pero hataw pa rin ito sa ratings game. Patunay lang na kaya ni Kathryn magdala ng show kahit wala ang ka-love team.

Iniintriga kasi ng ilang bashers si Kathryn na laylay daw ang kanyang Wansapanataym special at ikinukumpara pa sa naging ratings ng special naman nina Nadine Lustre at James Reid.

May mga nagsasabi pang lumaylay ang career ni Kathryn at nasapawan na ng look-alike na si Nadine simula nang kunin ding talent ng Dos ang JaDine. Pero hindi totoo ito. Katunayan, big project uli for primetime ang gagawin ng KathNiel, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo na dating pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Samantala, sa Wansapanataym Present Puppy Ko si Papi, mahalagang desisyon para sa kanyang kinabukasan ang gagawin ng karakter ng Teen Queen ngayong gabi.

Sa pagkakaayos ng samahan nilang mag-ama, muling susubukin ang pagmamahal ni Iris (Kathryn) para sa kanyang Papi Douglas (Dominic Ochoa) dahil bibigyan siya ng kanyang lola ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa at maging mas malaya.

Magagawa bang iwan ni Iris ang kanyang ama lalo na ngayong hindi pa nila nahahanap ang tamang solusyon sa sumpang naibigay niya rito?

Sa huli, ano nga ba ang mananaig sa puso ni Iris — pangarap o pamilya?

Si Khalil Ramos ang kapartner ni Kathryn sa Wansapanataym kasama sina Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus mula sa script ni Yam Tanangco Domingo at direksiyon ni Don Cuaresma.