Kris Aquino

TAHASANG binanggit ni Kris Aquino sa grand presscon ng Feng Shui na pagdating sa kanyang showbiz career ay wala na siyang mahihiling pa. Pero aminado naman siya na may kulang pa rin sa kanyang personal na buhay. 

“Alam mo, wala na akong mahihiling pa. Kasi, hindi raw puwedeng maibigay ang lahat sa ‘yo nang sabay-sabay. So, alam n’yo namang lahat kung ano ang kulang sa buhay ko,” sabi ng Queem of All Media. 

Obvious naman na lovelife lang ang kulang sa buhay niya ngayon. Pero dugtong agad ni Kris, alam niyang may mga bagay na hindi naman puwedeng makamtan niya agad. 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

As usual, may mga pasabog na naman si Kris, hindi lang ang iniuwing napanalunan ng invited press sa pa-raffle nila ni Coco Martin dahil ibinuking-buking niya si Biboy Arboleda, ang manager ng leading man niya. 

Marami kasi ang nakapansin sa kakaibang glow ni Kris. Kumbaga, ten years na since unang ipalabas ang unang Feng Shui pero parang hindi nadagdagan ang kanyang edad.

Kung tititigan kasi nang husto si Kris ay lalo pa nga siyang gumaganda. Ipinagmalaki ni Kris na marahil daw ay dahil sa lifestyle niya at ang natural na mga paraang ginagawa niya araw-araw, tulad ng kumpletong walong oras na tulog, walang sigarilyo, hindi rin umiinom ng alak, at hindi mahilig magdadalo sa party. Ito ang sekreto kaya nananatili ang kanyang taglay na kagandahan at younger looking face. 

Hindi pa rin naman dumaan si Kris sa siyensiya, at ayaw niya, dahil gusto niya manatiling refreshing ang beauty niya. Isang bagay na ginagawa ng ilang celebrities sa kagustuhang magmukhang bata kaysa edad nila. 

Diretsahang binanggit ni Kris sa presscon ang manager ni Coco na nasa harapan niya, na kung anik-anik daw ang ipinagawa sa mukha. Nagkatawanan tuloy ang lahat.

Ang akala ng iba ay mapipikon si Sir Biboy, pero nang makausap namin ito after the prescon ay aliw na aliw din  siya sa pambubuking ni Kris. Hindi raw naman niya itinatanggi na may mga seremonyas siyang ginagawa sa mukha niya, huh!

“Ha-ha-ha, true naman ‘yun, Jimi. Nagpa-Citon treatment ako sa St. Luke’s Global City. Ha-ha-ha,” sey sa amin ng super ma-PR na talent manager.