Kritikal ngayon ang isang 35-anyos na lalaki matapos barilin ng pulis nang manlaban sa isang checkpoint sa Valenzuela City, kamakalawa ng madaling araw.

Isinugod sa Fatima Medical Center si Radja Cabilla, ng Bgy. 165, Bagbaguin, Caloocan City, sanhi ng tama ng bala ng cal. 9mm sa tiyan.

Ayon sa report, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 (PCP) ng Valenzuela Police Station sa Gen. Luis. Paso De Blas, Valenzuela City, dakong 2:30 ng madaling araw at sinita ng mga ito si Cabillo na nakasakay sa Honda motorcycle (3461-UM) dahil wala itong suot na helmet.

Matapos itabi ni Radja ang motorsiklo sa kalsada, nagbunot ito ng dalawang cal. 22 at itinutok sa mga pulis kayat pinaputukan siya ng mga awtoridad.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20