Patuloy ang paghahanap ng Iligan City Police sa 19-anyos na lalaki na tumalon at nalunod sa Pinakanawan River sa San Vicente, Ilagan City.

Kinilala ang binata na si Edmar Cabel, 19, ng Centro Santo Tomas, Isabela.

Nagtungo si Cabel sa nasabing Ilog kasama ang mga kaibigan na sina James Silabbo, 16, ng San Vicente, Ilagan City; Bryan Ambe, 15, ng Lanna, Tumauini at ang kanyang pinsan na si Ferdinand Cabel, 20, ng Centro Santo Tomas, Isabela para maligo.

Pagdating sa Pinakanawan bridge, bigla umanong tumalon mula sa tulay si Edmar Cabel na sinundan ng kaibigang si Bryan Ambe.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagkataon na mayroong isang lalaki sa nasabing lugar at nagawang iligtas si Ambe ngunit si Cabel ay hindi na natagpuan.