Isusubasta ng Bureau of Customs-Port of Davao (BoC-POD) ang may 2,366 na metriko tonelada ng bigas, na katumbas ng 2.366- milyong kilo sa Disyembre 17.

Ang pagbebenta ay inaasahang makalilikom ng P68.458-milyon para sa ahensiya.

Kabilang sa isusubasta ang 43,160 na 50-kilo bag ng long grain white rice at 4,160 na 50-kg bag ng malagkit na bigas mula sa Thailand at Vietnam. Ang mga kargamento ay inangkat ng San Carlos Multi-Purpose Cooperative (SACAMUCO) at dumating sa Davao noong Setyembre 2013. Kinumpiska ito ng BoC dahil sa kabiguang magpakita ng kaukulang import permit mula sa National Food Authority (NFA).

Sinabi ni POD Acting District Collector Ricardo Butalid Jr., na ang malagkit na bigas ay nasa P49 kada kilo, habang ang long grain white rice ay nasa P27 kada kilo.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Pebrero ngayong taon nang nagharap ang BoC ng kasong smuggling laban sa mga opisyal ng SACAMUCO dahil sa paglabag sa batas ng pag-aangkat ng mahigit 28,000 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P34 milyon. (Mina Navarro)