GAPAN CITY, Nueva Ecija— Nasa kamay na ng pulisya ang tinaguriang No. 1 most wanted sa lungsod na ito na may patung-patong na kaso makaraang maaresto noong Biyernes ng tanghali sa Ibayan St., Poblacion I, bayan ng Infanta sa Quezon province.

Nagsanib puwersa ang Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPP0) sa pamumuno ni P/Supt. Ricardo Villanueva, company commander at ng Infanta Police na pinamunuan ni P/Sr.Insp. Rizaldy G. Merene upang maaresto si Floyd Mendoza Constantino, alyas Floyd Plomplom, 30, binata, residente ng Bgy. Sto. Nino sa Gapan City.

Bitbit ang warrant para sa dalawang kaso ng murder na inisyu ni Judge Celso Baguio ng Regional Trial Court (RTC) Branch 34, Gapan City noong Agosto 20 at

Setyembre 3, 2014 may rekomendadong piyansa na P120,000.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20