Jon Leuer, Luol Deng, Josh McRoberts

MEMPHIS, Tenn. (AP) – Ipinakita ng Memphis Grizzlies na hindi lamang sila nakadepende sa kanilang inside game para manalo.

Umiskor si Joen Leuer ng seasonhigh na 20 puntos at pinantayan ang kanyang career best na 12 rebounds sa pagtalo ng Memphis sa Miami Heat, 103-87, kahapon.

‘’He played out of his mind,’’ sabi ni Memphis guard Courtney Lee, na nagtapos na may 17 puntos. ‘’That’s the Jon Leuer we see every day in practice being athletic, getting up and down the floor and stretching the floor. Once he hit his first shot, his confidence was through the roof.’’

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Si Leuer ay 7-of-12 sa floor, kabilang ang 2-of-3 mula sa arko, sa paggamit ng Memphis ng accurate shooting mula sa mga guwardiya at gumawa ng 62 porsiyento mula sa 3-point range. Gumawa si Mike Conley ng 18 puntos para sa Memphis, naikonekta lahat ng kanyang walong attempt, habang si Lee ay 7-of-9 sa laro. Sina Conley at Lee ay nagtambal para sa 5-of-5 sa 3-pointers.

Nai-convert ng Memphis ang 59 porsiyento ng kanilang mga pagtatangka upang putulin ang kanilang two-game losing streak. ‘’They didn’t even hurt us in (their) normal game, that’s what’s disappointing,’’ ani Heat coach Erik Spoelstra. ‘’It wasn’t really the power, paint, post-up game that you would expect.’’

Pinantayan ni Zach Randolph ang 17 puntos ni Lee, habang nag-ambag si Tony Allen ng 14 puntos mula sa kanyang 6-of-8 shooting.

Sinabi ni Memphis coach Dave Joerger na ang naging performance ni Leuer ay “sensational,” malayo sa kanyang naging pag-uumpisa kung saan nahirapan sa shooting ang forward. Sa huling anim na laro, hindi nakaabot si Leuer sa double figures sa scoring at hindi rin nakapaglaro sa kanilang pagkatalo sa San Antonio noong isang araw.

“‘It’s just a matter of seeing the ball go in a couple of times,’’ ani Leuer sa kanyang pagkakaroon ng kumpiyansa. ‘’Just focusing on doing all the little things. When you focus on playing the right way and making good decisions, playing hard, shots tend to fall.’’

Gumawa si Dwyane Wade ng 25 puntos sa ikaapat na pagkabigo ng Miami. Nagdagdag si Josh McRoberts ng 14 puntos, 13 ang kay Luol Deng, at sina Chris Bosh at Mario Chalmers ay kapwa nag-ambag ng tig-12.

‘’They made us pay for bad possessions,’’ sambit ni Wade. ‘’They hit some shots, and it was going against what we wanted them to do. We came in with a game plan for the Grizzlies, and they beat us another way.’’

Ang magkakasunod na basket ni Wade upang buksan ang fourth quarter ang naghila sa Heat sa 82- 79, ngunit sinagot ito ng Memphis ng walong sunod na puntos upang muling ilista ang double digit na kalamangan.

‘’In order to get better each year, you’ve got to improve on something,’’ sabi ni Lee. ‘’Everybody knows that’s our DNA, to get it down low to the big fellas and let them go to work. It opens up everything for everybody else.’’