MATAGUMPAY ang unang regional event ng GMA Network sa Isulan, Sultan Kudarat dahil libu-libong supporters ang pinasaya at pinatawa ng Kapuso stars sa pangunguna ni Regine Velasquez-Alcasid.

Apat na free shows ang itinanghal ng Regional TV team sa Sultan Kudarat Sports and Cultural Center kasabay ng pagdiriwang ng taunang Kalimudan Festival.

Unang naghatid ng sorpresa at kilig si Gabby Eigenmann sa coronation night ng Mutya ng Sultan Kudarat noong Nobyembre 18. Hinarana niya ang naggagandahang kalahok.

Nakisaya naman kinabukasan si Alden Richards sa Kapuso Fiesta kasama sina Louise delos Reyes at Max Collins na mainit tinanggap ng umaabot sa 12,000 katao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Regine naman ang bumida noong Nobyembre 20 sa Kapuso Fans’ Day na todo hiyawan at tilian ang tinatayang 10,000 fans pagkakita sa kanya at habang nakikisalamuha siya.

Nakisali rin sa Kapuso Night sina Mark Herras, Dion Ignacio, Kylie Padilla at Rochelle Pangilinan.

“We are very happy for a fruitful partnership with the province of Sultan Kudarat. It was exciting for us to bring the Kapuso brand of entertainment to such a beautiful place like Sultan Kudarat. This was our first time to join the Kalimudan Festival and we were overwhelmed by the thousands of Sultan Kudarateños who welcomed us in all our activities,” pahayag ni Oliver Amoroso, AVP ng GMA Regional TV at head ng regional strategy and business development division.