Patay ang isang real estate agent matapos barilin ng mag-amang pulis na una umano nitong pinaputukan habang nag-iinuman sa Tondo, Manila dahil lamang sa masamang tingin kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Arwin Maliwat, 26, residente ng 258 Isla de Romero, Quiapo, Manila, bunsod ng tama ng bala sa katawan. Nakatakas naman ang kasamahan niya na nakilala lamang sa alyas na “Jerome.”

Iniimbestigahan ngayon ang mag-amang sina SPO1 Rolando Doroja at PO2 Percival Doroja, kapwa nakatalaga sa Station 1 ng Manila Police District (MPD) at residente ng 1708 Velasquez St., Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente 1:15 ng madaling araw sa 1691 Velasquez St. corner Baltazar St. sa Tondo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Wala namang motibo e, nagkatinginan lang ng masama tapos bumunot na agad yong biktima at pinaputukan yong grupo ng mag-amang pulis na nag-iinuman rin malapit sa kanilang bahay,” ayon kay Duran.