PASKUNG-PASKO na nga lalo na at naririnig na nating pinapatugtog ang bagong Christmas album ng sikat na London boy choir na Libera entitled Christmas in Ireland.

Ang hindi alam ng marami ay Pilipino ang associate producer ng pamaskong CD. Siya ay walang iba kundi ang former finance secretary na si Roberto “Bobby” F. de Ocampo na siya ngayong chairman at CEO ng Philippine Veterans Bank.

Pangatlong album na ito na pinrodyus ni De Ocampo na may anak ding lalaki na gumawa ng pelikula sa Hollywood. Siya ang nagdala sa Pilipinas sa grupo na matagumpay na nag-concert last year sa PICC. Nakatakdang muling mag-concert ang Libera sa Pilipinas sa papasok na taon.

Lalong lumakas ang fan base ng Libera na magrerekord ng dalawang Tagalog songs:Himig ng Pasko at Bayan Ko.

'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?

Sa Christmas in Ireland ay tampok ang ilang tradisyonal na carols tulad ng Joy to the World, Away in a Manger, Have Yourself A Merry Little Christmas, What Child is This, Silent Night at marami pang iba. (Remy Umerez)