BEIJING (Reuters) – Hinimok ni Chinese President Xi Jinping ang mas mabilis na pagdebelop ng advanced new military equipment para makabuo ng isang malakas na army, iniulat ng state media, habang pinalalakas ng bansa ang ambisyosong modernization plan na pinangangambahan sa buong rehiyon.

Nagsalita sa two-day conference sa People’s Liberation Army, sinabi ni Xi na ang military reforms ay dapat na “guided by the objective of building a strong army”, iniulat ng official Xinhua news agency noong Huwebes ng gabi.

“Advanced weaponry is the embodiment of a modern army and a crucial support for national security and rejuvenation,” ani Xi.

Ang China ay nakapagdebelop na ng emerging stealth fighter technology, anti-satellite missiles at ngayon ay mayroon nang isang aircraft carrier in operation at nagbabalak ng mas marami pa.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'