Mahigit 150 mental athletes mula sa 30 bansa, kabilang na ang Pilipinas, ang magtatagisan ng galing sa 23rd World Memory Championship sa Disyembre 7–14 sa Hainan, China.

Hangad ng Philippine Memory Team (PMT) na muling makapag-uwi ng medalya sa torneo at bigyan ng karangalan ang bansa sa pakikipagsagupa nila kontra sa pinakamatatalas ang memorya at mabibilis ang kaisipan na mga atelta sa buong mundo.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

“We are very, very positive that we can be at par with the world’s best and brightest memory athletes,” sinabi ni PH Memory Team coach Roberto Racasa na ang koponan ay sinusuportahan ng Hotel Sogo, ang kompnaya na naniniwala sa adbokasiya ng grupo na mapalawak ang importansiya ng pagsasanay sa memorya at matulungan ang komunidad at maging ang mga kabataan sa pamamagitan ng Memory Sports.

Isasagawa naman ang finals ng World Memory Sports Council sa Disyembre 11, 12 at 13 bago ang closing ceremony sa 14.

Tatlong matinding araw ng kompetisyon sa 10 disiplina na Spoken Numbers, Playing Cards, Historic / Future Dates, Binary Numbers, Random Words, Abstract Images, Names and Faces, Random Numbers, Speed Numbers at ang Speed Cards ang paglalabanan.

Umaasa naman ang Philippine Memory Team na maipakita sa mundo kung gaano kompetitibo ang mga Pilipino sa memorya.

“We want to prove that adversities are never a hindrance to all our athletes to stop trumping their pursuit to achieve their goals. They are continuously becoming a great addition in bringing recognition to the Phil. Sport,” pahayag ni Racasa.

Sinabi ni Racasa na malaki ang tsansa ng koponan na maibulsa ang medalya at dagdag na bagong Grand Master of Memory title (GMM) mula sa torneo.

Nagpapasalamat din ang koponan sa Hotel Sogo sa pagsuprota sa kanila na hangad na makapagtala ng kasaysayan sa 23rd World Memory Championship at patuloy na makadiskubre ng International Grand Masters of Memory sa mga miyembro.