APAT na team na lang ang natitira sa second season ng The Amazing Race Philippines, hosted by Derek Ramsay at napapanood sa TV5, Mondays to Sundays, alas-9 ng gabi.

Inihayag ng host sa huling pit stop sa Iloilo City na magkakaroon ng double elimination, at tinamaan nito ang Team Nerds nina Vincent Uy at Ed Manguan at ang Team Mag-ama nina AJ at Jody Saliba (Team Mag-ama).

Kaya ang Final Four ay binubuo nina Matthew Edwards at Phoebe Walker (Team Dating Couple), Eji Estillore at Roch Hernandez (Team Chefs); Jet at Yna Cruz (Team Magkapatid); at Kevin Engles at JP Duray (Team Mr. Pogi), na nakikilala sa social media bilang #MiracleBoys.

Madali namang tinanggap ng Team Mag-ama at Team Nerds ang naging kapalaran nila. Unlike in the past episodes, naging emosyunal sina Daddy AJ at Jody, maging si Derek, dahil akala ng mag-ama ay end na ng kanilang karera. Ang hindi alam ng dalawa, it was a non-elimination week, so tuloy ang kanilang laban.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napagkaisahan ang Team Mag-ama ng ibang teams, at sila ang ni-yield. Sa kabila nito, pumanglimang pa puwesto. ‘Yun nga lang, dahil double elimination week ay natanggal pa rin sila.

Sa Twitter at Instagram ipinaabot ni Jody ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga sumusporta sa kanila. Aniya (@jodybainessaliba), “#AmazingRacePHILIPPINES is a great privilege. We raced hard, raced smart, raced fair and raced fast. But unfortunately it was not enough. Added with a double elimination that dragged us.

“But no regrets. Very intense, emotional and fun. The race changed our lives and made our relationship stronger.”

Pinasalamat din ni Jody ang show: “We thank you #AmazingRacePHILIPPINES for this opportunity. It is absolutely one of the best reality shows. Nothing scripted. Most importantly to the people who believed in us. Walang tigil na suporta at pagmamahal ang binigay niyo samin. Kayo ang nag papalakas samin. Maraming maraming salamat sainyong lahat! We love you guys!”

Huling linggo na ngayon ng programa at base sa napanood naming teaser last Sunday, higit na mabagsik at mabigat ang mga challenge na susuungin ng Final 4.