Umabot na sa siyam katao ang namatay sa iniwang pinsala ng bagyong ‘Queenie’ sa Central Visayas.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam ang namatay at siyam ang nawawala sa bagyo.

Ayon sa report ng NDRRMC, naitala ang apat na namatay sa Negros Oriental at kinilalang sina Sonny Boy Deguitos ng Maaslum, Ayungon; Honilyn Andales ng Cambaye, Tayasan; Rogen Amarante ng Manjuyod at Lumida Barredo na mula sa Valencia.

Natagpuan ang bangkay ni Deguitos sa Maaslum River matapos itong maiulat na inanod habang tinatawid ang isang improvised na tulay.

National

FPRRD, ‘di na kailangang imbitahan sa susunod na quad comm hearing – Barbers

Ayon kay Tayasan Mayor Susano Ruperto, inanod din si Andales na natagpuan may 4 kilometro ang layo mula sa lugar kung saan siya huling nakita.

Napag-alaman na hinihintay ni Andales at ng anak nitong si Jay-Ann ang mister ng una nito matapos lumikas mula sa kanilang binahang bahay.

Sakay naman ng motorbanca si Amarante patawid ng Siquijor Island nang hampasin ng malakas na alon ang sinasakyan nito.

Namatay naman si Barredo dahil sa pagkakakuryente.

Una nang naitala ang apat namatay sa Jagna, Bohol at isa ang nalunod sa Cebu sa kasagsagan ng bagyo.