Naniniwala si Hall of Fame trainer Freddie Roach na malaking posibilidad na maganap ang 2015 welterweight mega-fight na WBC at WBA champion Floyd Mayweather, Jr. at WBO titlist Manny Pacquiao matapos ang pakikipag-usap nila ni Top Rank big boss Bob Arum kay CBS chief executive officer Les Moonves kamakailan.

Ang CBS ang mother company ng Showtime na may natitira pang dalawang laban para kay Mayweather sa six-bouts na kontrata nito.

Lumaki ang tiyansa sa megabout na tinatayang aabot ang premyo sa $200 milyon matapos magwagi si Pacquiao nitong Nobyembre 23 sa Macau, China na anim na beses niyang pinagulong sa ring ang walang talong challenger na Chris Algieri.

Ibinunyag ni Roach na kasama siya nang magpulong sina Arum at Moonves sa loob ng limosina ng huli kung saan nagmalaki ito na kayang tuparin ang Mayweather-Pacquiao bout.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“I was there,” pag-amin ni Roach sa Los Angeles Daily News. “I was the third party. I just listened a lot. But they spoke about what they could do and how to make the fight happen. Moonves said he can deliver Mayweather, and, obviously, Bob said he could deliver Pacquiao.”

Sa pag-uusap, natiyak ni Roach na matutuloy na ang pinakahihintay na sagupaan sa kasaysayan ng boksing na inaasahang tatanggap ng pinakamaliit na $80 milyon si Pacquiao sa ginarantiyahang premyo pa lamang.

“It was a very good meeting. What they said in that meeting, if they can do it, the fight will happen,” dagdag ni Roach. “Very soon. I think next. Moonves and Bob walked out to Moonves’ car with their arms around each other. The right people are talking about it. I think that makes it a bigger possibility.”