PINARANGALAN ang 14 napiling ntaatanging guro sa lalawigan ng Rizal. Ang parangal ay ginawa sa ginanap na Guronasyon 2014 na idinaos sa Casimiro A. Ynares Sr. Auditorium sa Binangonan noong Nobyembre 28, 2014. Ang paksa ngayong taon ay “Guronasyon, Two Decades of Public and Private Partnership in Education”. Bago ito sinimulan ang Guronasyon 2014, isang misa ang ginanap ni Msgr. Arnel Lagarejos, parish priest ng St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Sinundan ng unveiling at blessing ng marker ng ipinagawang Casimiro A. Ynares Sr. Auditorium ng pamilya Duavit, sa pangunguna ni dating Rizal Congressman Dr. Gilberto Bibit Duavit.

Ang mga awardee ay sina Florian Guanio ng Malanday Elementary School (ES) sa San Mateo, Rizal at Ma. Luisa Cruz ng Mayamot ES bilang Oustanding ES Teachers. Sina Marlon Sta. Catalina ng Rizal Science National High School (HS) at Liwayway Dawn De Real ng Mambugan National HS bilang Outsanding Secondary School Teachers. Sina Dahlia Certea ng Maybancal ES sa Morong at Marvin Tortoza ng Peace Village ES sa Antipolo mga Outstanding ES Principals. Sina Maribeth De Dios ng Don Jose Ynares, Sr. Memorial HS sa Binangonan at Victorina Yuson ng Mayamot Natonal HS sa Antipolo tumangap ng Outstanding Secondary School Principal award. Si Gina Buena, department head ng Music, Arts, PE at Health ng Mayamot ES ang Outstanding Educator for Sports. At si Santiago Sabao, ALS Mobile Teacher sa Cardona District bilang Outstanding Educator for Community Service.

Sa tertiary education: Elvira Catolos ng College of Engineering University of Rizal System Morong Campus, Oustanding Faculty; Allan Conde, dean ng College of Industrial Technology URS Morong, Oustanding College Administrator; Sonia Gongoira, Outsanding Vocational Education and Traning Trainer sa Cainta at Eva Montana, ng Skill Power Institute sa Antipolo, Outstanding TVET Administrator. Ang nagabot ng Plaque of Recognition, bouquet at P30,000 ay sina Antipolo Mayor Jun Ynares, Binangonan Mayor Boyet Ynares, Rizal Representative Joel Roy Duavit, dating Rizal Congressman Michael JackDuavit at Gng. Judith Duavit Vasquez.

Ang Guronasyon ay programa sa edukasyon na inilunsad noong 1994 ni dating Rizal Comgressman Bibit Duavit matapos maitatag ang Guronasyon Foundation Inc. noong 1989.
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino