blind item shades

SUMISIKAT na male singer na nakasalubong at nakakuwentuhan namin ang bida ng ating blind item ngayon.

Kahit nasa 40’s na ay taglay pa rin niya ang kaguwapuhan. At kahit may asawa’t mga anak na, aminado siyang may natatanggap pa rin siyang indecent proposals.

Kamakailan, kasama raw niya sa isang five star hotel ang kanyang kapatid para sa isang meeting. Natagalan ang dating ng ka-meeting niya kaya nang mainip sa kahihintay ay inaliw niya ang sarili at iniwan muna ang kasamang kapatid at nagpaikut-ikot siya sa lobby ng hotel.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nang gabing iyon ay galing siya sa isang event kaya naka-coat and tie siya at nakaputing long sleeve. Tinanggal niya ang coat niya at iniwan sa inuupan nila ng kapatid niya.

Habang nag-iikot sa lobby ng hotel ay tinawag daw siya ng kauupo pa lamang na bagong pasok na grupo ng kabataan. Lumapit naman agad si Singer na ang nag-akalang kilala siya ng mga bagets dahil super nakangiti ang mga ito sa kanya.

“Waiter , oorder kami, ano ba ang p’wedeng na mai-serve agad sa amin? Nagmamadali kasi kami,” sabi raw agad ng isa sa mga tumawag sa kanya.

Mabait at magalang na tao ang singer, at dahil ayaw niyang manghiya ng tao ay marespeto niyang sinagot niya ang mga bagets na hindi siya waiter.

Pero ang pagkakamali lang ni Singer ay binanggit pa niyang isa siyang singer.

“Ay, pasensiya na, hindi ka namin kilala,” sabi naman agad ng mga ito sa kanya.

Hindi ko malaman ang magiging reaksiyon o dapat kong maramdaman nang ikuwento ito sa akin ng singer, hanggang ngayon.