Sarah Silverman

ANG bawat indibidwal ay mayroong nakaraan, at aware naman dito ang comedian actress na si Sarah Silverman.

Nagbato ng biro ang komendyante na kasalukuyang ka-date ni Michael Sheen sa pamamagitan ng paglagay ng “unsexy pose” sa tabi ng larawan ng ex-girlfriend ni Sheen na si Kate Beckinsale.

“I can’t believe my boyfriend ever dated this PIG,” komento ni Silverman, 43, sa nasabing larawan ni Underworld star sa Sunday’s American Music Awards. Si Beckinsale, may anak na 15 taong gulang kay Sheen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“No, I love her,” ani Silverman sa panayam kay Howard Stern noong Setyembre nang tanungin siya kung nagseselos sa nakaraang relasyon nina Beckinsale at Sheen. (Walong taon na naging magkasintahan bago naghiwalay noong 2003. Kasal si Beckinsale ngayon sa direktor na si Len Wiseman.) “She’s hilarious. She’s really, really cool.”

Sinabi rin nito na, “They’re really funny together.”

Nang tanungin ni Stern kung nakakaramdam ng insecurity si Silverman kay Beckinsale dahil ito ay maganda, sinabi niya na “No, it’s more like, ‘Look at all these beautiful women [he’s dated] and he loves me. It’s more like that, like, ‘Wow!’” - Yahoo News/Celebrity