venus raj

LILIPAD na ulit ang second season ng Business Flight nina Venus Raj at Cristina Decena sa December 29, Saturday, 11:30 AM sa GMA News TV.

Sa Mexico ang unang stop-over ni Cristina. Aalamin ng controversial businesswoman ang kultura, pagkain at papasyalan din niya ang iba’t ibang makasaysayang lugar sa naturang bansa.

Gagalugarin naman ni Venus ang Catanduanes. Aalamin ng dating Miss Universe third runner-up ang nakatagong yaman at kultura ng lalawigan, tutuklasin din niya ang masasarap na pagkain sa lugar at susubukan niyang labanan ang malalaking alon sa Puraran Surf sa bayan ng Baras na kinikilala ngayon bilang Surfing Capital ng Bicol Region.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Enjoy si Venus sa kanyang ginagawa bilang co-host ng Business Flight dahil natutuklasan niya ang kultura ng iba’t ibang probinsya, napapasyalan niya ang magagandang tanawin at natitikman niya ang iba’t ibang pagkaing Pinoy.

Samantala, aminado si Venus na hindi niya priority sa ngayon ang paghanap ng boyfriend lalo na’t kumakain ng mahabang oras ang pagso-shoot ng segment niya sa Business Flight at pagkuha niya ng masteral degree in community development sa UP Diliman.

Pinaghahandaan din niya ang benefit concert sa Music Museum, kasama ang Mercator baby at GMA Artist talent na si Ken Alfonso, sa darating na December 4.

Sa mga hindi nakakaalam, Venus can carry a tune. She has done few covers with Ken at talaga namang umaani ito ng maraming hits sa social media.