Sa unang pagkakataon, magmula nang lumahok sila sa volleyball competition sa National Collegiate Athletic Association (NCAA), nakapagtala ng "twin kill" ang season host Jose Rizal University GRU) matapos na manaig ang kanilang men's at women's squads kahapon kontra sa San Beda College (SBC) sa pagpapatuloy ng NCAA Season 90 volleyball tournament.

Hindi lamang nagwagi, kundi pare has pang winalis ng Heavy Bombers at ng Lady Bombers ang Red Lions at Red Lionesses sa kanilang mga lara sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagtala ng 10 hits at 3 blocks para sa kabuuang 13 puntos si Lela Lopez habang nag-ambag naman ng 11 puntos si Rosali Pepito at 9 na hits naman si Maria Shola Alvarez upang pangunahan ang 25-16,25-16,25-18 panalo ng Lady Bombers.

Dahil sa panalo, umangat ang JRU sa solong ikaapat na puwesto sa women's team standings taglay ang patas na barahang 3-3 (panalo-talo) habang nalasap naman ng San Beda ang kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Nanguna naman para sa Red Lionesses at nag-iisang umiskor ng double digit si Brandy Kramer na nagposte ng 8 hits, 1 block at isang ace para sa kabuuang 10 puntos.

Una rito, nagtala ng game-high 26 puntos si Joshua Manzanas na kinabibilangan ng 21 hits, 2 blocks at 3 service aces upang pamunuan ang Heavy Bombers sa 25-19,25-23,25-17 pagwalis sa Red Lions.

Bunga ng panalo, umangat ang Heavy Bombers at tumabla sa Letran Knights sa ikalimang puwesto sa men's standings na hawak ang barahang 2-4 habang sumadsad ang Red Lions sa ikaapat na sunod nitong pagkatalo.

Nag-ambag naman ng 3 blocks at 2 aces si Peter Enanod na nagtala rin ngl0 digs.

Para naman sa San Beda, tumapos na top scorer si Angelo Torres na mayroong 12 hits at 1 ace para sa kabuuang 13 puntos.