Nagbabala kahapon si Sen. Miriam Defensor-Santiago na posibleng masalang sa impeachment si Pangulong Aquino matapos makipagkasundo sa kontrobersial na PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Iginiit ni Santiago na nilabag umano ng Pangulo ang Konstitusyon nang payagan nito ang pagmimintina ng mga military base isang banyagang puwersa sa Pilipinas na hindi idinaan sa Senado.

Sinabi ni Santiago na magsasagawa ng pagdinig ang Senate Foreign Relations Committee na kanyang pinamumunuan sa Lunes upang madetermina kung dapat bang katigan ng Senado ang kasunduan.

Tututok aniya ang pagdinig sa apat na aspeto: Kung kailangan pa bang aprubahan ng Senado ang EDCA? Kailangan ba talaga ito? Makikinabang ba ang sambayanan” at kung ito ba ay praktikal?

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Tatalakayin sa public hearing ang isyu ng constitutional ban sa pananatili ng foreign military bases, mga tropa at pasilidad sa bansa na hindi idinaan sa isang treaty na inaprubahan ng Senado. - Mario B. Casayuran