ANTIPOLO CITY— Patay ang isang 18-anyos na lalake at 12 iba pa ang nasaktan matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep sa Marcos Highway, Barangay. Mayamot, Antipolo City noong Miyerkules.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, kinilala ang namatay na si John Mark Duldulao, binata, konduktor ng jeep, nakatira sa Sitio Oliveros, Bgy. Dela Paz, Antipolo City. Idineklara siyang dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Memorial Hospital.

Lumitaw sa imbestigAsyon ni PO2 Allan Barangan, dakong 9:35 ng gabi ay mabilis na tumatakbo sa Marcos Highway, Bgy. Mayamot, Antipolo patungong Cubao ang jeep na minamaneho ni Jefferson Estrada, 22, ng Bgy. San Isidro, Antipolo City.

Pagsapit sa tapat ng isang tindahan ng goma sa Marcos Hghway, Bgy. Mayamot, nag-overtake ang jeep sa sinusundan nitong isa pang pampasaherong jeep. Sa bilis ng takbo, nabangga ang kaliwang gulong sa unahan sa Center Island at nagpagewanggewang bago bumaligtad.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Inaresto si Estrada ng Antipolo City Police at sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Physical Injury.