May hinihintay ba kayong balikbayan box ngayong Pasko?

Mayroon nang mas madaling paraan upang malaman ang kinaroroonan ng inyong balikbayan box, lalo na kung ito ay binuriki o nawala habang patungong Pilipinas.

Gamit ang online technology, sinabi ni Charo Logarta-Lagamon, tagapagsalita ng Bureau of Customs (BoC), na maaari nang masubaybayan ang pagdating ng mga cargo sa pamamagitan ng Balikbayan Box Tracker na inilunsad ng ahensiya kamakalawa.

Sa pamamagitan ng tracker, ang tatanggap ng package ay mabibigyan ng impormasyon sa website hinggil sa local o foreign freight forwarder at numero ng Bill of Lading ng shipment.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

“On the ‘Tracking List’ just type the BL number in the ‘Search’ box and press ‘Enter’ to see the status of your Balikbayan Box,” ayon sa BoC official.

Sinabi pa ng BoC na maaaring ma-download ang Excel file sa website at pagkatapos ay buksan ang file at i-type ang “Ctrl” F, ang inyong BL number at i-click ang “Enter” upang matukoy ang estado ng balikbayan box.

Ayon kay Logarta, target ng bagong teknolohiya na mapigil ang mga insidente ng pambuburiki at pagnanakaw ng ilang tiwaling freight forwarder sa mga balikbayan box, partikular tuwing Pasko. (Raymund F. Antonio)