Hiniling ng mga state prosecutor sa Sandiganbayan na suspendehin si Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos at siyam na iba pang personalidad na kinasuhan ng graft kaugnay sa multi-bilyong pisong anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa kanilang mosyon na isinumite sa Sandiganbayan Third Division, nais ng Office of the Special Prosecutor na suspendehin si Relampagos at kanyang staff na sina Rosario Nuñez, Lelaine Paule, at Marilou Bare.

Bukod sa apat, ipinapasuspinde rin sina Technology Resource Center (TRC) Chief Accountant Marivic Jover; Gondelina Amata, pangulo ng National Livelihood Development Corporation (NLDC); at apat na opisyal at empleyado ng NLDC na sina Emmanuel Alexis Sevidal, Chita Jalandoni, Sofia Cruz at Gregoria Buenaventura.

Iginiit ng mga state prosecutor na lahat ng akusado ay nabasahan na ng sakdal kaugnay sa multiple counts ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa PDAF scam.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga