ILOILO – Kinumpirma ng Department of Health (DoH)-Region 6 na dumami ang naitatalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa Western Visayas.

Ayon kay Dr. Elvie Villalobos, hepe ng DOH-6 Infectious Diseases, may 183 bagong kaso ang naitala mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, at nito lang Setyembre ay nasa 14 na bagong kaso ang naitala.

Aniya, umabot na sa nakaaalarmang 700 kaso ng HIV/AIDS ang naitala sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental simula noong 1984.

Sa 700 kaso ng HIV/AIDS sa rehiyon ay 46 na ang namatay sa wala pa ring lunas na sakit.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Pinakamarami ang naitalang kaso sa Iloilo City na umabot sa 195, kasunod ang Bacolod City na may 136 na kaso ng HIV/AIDS. (Tara Yap)