LIPA CITY, Batangas - Nabalot ng tensiyon ang isang international school sa Lipa City makaraang makatanggap ng text message na may bomba sa eskuwelahan.

Ayon sa report ni PO3 Oliver Morcilla, dakong 8:30 ng umaga noong Nobyembre 24 nang makatanggap sila ng impormasyon na may bomb threat sa Stonyhurst Southville International School sa lungsod.

Natanggap umano ng principal na si Donnabel Atienza, 38, at ng kanyang deputy ang isang text mula sa hindi pa nakikilalang suspek.

Nakasaad umano sa text message ang: “Nakita n’yo ba ang usok sa kalapit na lugar? Mamaya sasabog na bomba dyan, kayo na bahala sa mga bata at anak ko.”

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Katulong ang K9 unit ng Explosives and Ordnance Division ng Philippine Air Force (PAF), dakong tanghali ay idineklara ng grupo ni First Lt. Aldwin Manay na ligtas ang lugar.