Kasali na rin ang fencing sa mga paglalabanan na isports sa National Finals ng 2014 Batang Pinoy na isasagawa simula Disyembre 9 hanggang 13.

Ito ang inihayag ni PSC Games chief Atty. Maria Fe “Jay” Alano matapos na ipinalisa ang kabuuang 27 na isports na nakatakdang paglabanan sa pinakahuling yugto ng grassroots sports development program ng ahensiya na para sa mga batang edad 15-anyos pababa.

Gayunman, hindi isasagawa sa Bacolod City na iho-host sa ikalawang sunod na pagkakataon ang national finals ng Batang Pinoy ang mga paglalabanan na event ng fencing kundi sa Manila.

“Isasabay nila (fencing) ang pagsasagawa ng kanilang mga event dito lamang sa Manila or maybe sa Ultra,” sabi ni Alano sa unang pagkakataon na isasagawa sa torneo ang sports.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Apat na iba pang isports na hindi nagsagawa ng qualifying leg sa Mindanao, Visayas at Luzon leg ang magsasagawa din ng kanilang mga finals na binubuo ng cycling (New Airport Access Road), Pencak Sila (Rizal Elementary School), Triathlon (Panaad Stadium) at Wushu sa Trinity Christian School.

Magkikita-kita naman ang mahigit na 3,000 kabataang atleta na nagsipagkuwalipika sa pagwawagi ng ginto at tanso na medalya sa ginanap na tatlong leg. Maaari ring lumahok ang mga nagsipagwagi ng tansong medalya subalit sagot nila ang kanilang partisipasyon.

Paglalaban-labanan sa national finals ang mga isports na archery, arnis, athletics, badminton, basketball 3-on-3, billiards, boxing, chess, dancesport, futsal, karatedo, lawn tennis, muaythai, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, weightlifting at wrestling.