Ohana means family. Family means no one gets left behind or forgotten.” Ito ang sentimiyento na ipinahayag sa 2002 Disney animated classic na Lilo & Stitch. Ngunit noong Biyernes, nobyembre 21, nagpahayag ng panibagong mensahe si Kourtney Kardashian mula sa nasabing pelikula na pinagtakhan ng mga tagahanga niya lalo na ang kalagayan ng kanilang relasyon ni Scott Disick.

Nag-upload si Kardashian ng larawan mula sa Disney kalakip ang mga salitang, “If you want to leave, you can. I’ll remember you, though. I remember everyone that leaves,” na may kasamang biyak na puso.

Si Kardashian -- na nagdadalantao sa ikatlong anak -- ay nagkakaroon ng problema sa relasyon ng ama ng kanyang mga anak. nang pumanaw ang mga magulang ni Disick ay napapadalas ang pakikipag-party at paglalasing nito.

Nangako itong magbabago hanggang sa manganak ang asawa noong nakaraang taon, ngunit mas tumindi ang away nilang magasawa. - US Weekly
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte