Matagumpay ang limitado lamang sa 200 mananakbo na humataw sa “Takbo na! Paa-Bilisan” sa piling lugar sa loob ng Quezon Memorial Circle noong Linggo ng umaga na isinaayos ng Global Runner na si Cesar Guarin ng Botak & Isports Plus at sa pag-alalay ng Team Skewers.

Tinanghal na kampeon sa tampok na 10-kilometrong ruta sina Isidro Perpetua at Joanne Gazang sa kalalakihan at kababaihan sa fun run na ang kikitain ay ipopondo para sa edukasyon ng mga Batang Lansangan.

Inangkin nina Benjamin Bravo at Rosel Abajo ang pilak samantalang nagkasya sa tanso sina Elmer Donato at Charina Javier, na nagsitanggap ng mga pasadyang tropeo at mga papremyo.

Pasok sa Top 3 ng anim na kilometrong ruta sina - 1. Jasper Espinoza / Evelyn Almacha, 2. Rico Refia / Noeme Jane Tosing at 3. Nilbert Precia / Emily Almarines, na kabilang sa mga umakyat ng pedestal para sa karangalan.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Samantala, sumakabilang buhay na ang isa sa haligi ng pagbibiskleta sa bansang si Antonio “Loy” Cruz, tserman ng United Cyclists Association of the Philippines at pangulo/GM ng WESCOR Transformer Corporation noong 6:30 pm ng Nobyembre 20, sa St. Luke’s Medical Center-Quezon City habang nakikipaglaban sa stage 4 cancer.

Naiwan ni Loy, 68 anyos, pang-apat sa magkakapatid na sina Reynaldo, Rodolfo, Philip, Emiliano, Jr., Rolando, Ramon, Adelina, Merissa, Imelda, ang kabiyak na si Teresita “Baby” Rivera, mga anak at manugang na sina Micaelle, Bibay - Edward, Tambi - Donna, Peter at mga apong sina Aubrey, Nicos Von, Fluffy, Yan Yan at Tamie.

Umupong chairman ng Philippine Cycling Federation si Loy noong panahon ni Bert Lina, nagsilbing opisyal noong kapanahunan ni Ponciano Regalado sa Philippine Amateur Cycling Association noong Dekada ‘90 at naging punong abala sa mga padyakang nagaganap sa Kyusi Circle.

Si Loy ay tinaguriang Patriotic Sponsor ng mga namumuno ng taunang Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon, isang salit-salitang pagtakbo, na walang butaw o registration fee sa mga kalahok, na tumatahak sa 1942 Death March Trail of 1942, para dakilain ang mga Bayani ng Bataan, dahilan sa kaniyang walang sawang pagtulong dito nang mapasaya ang mga Bayani ng Lahi.

Ang kaniyang mga labi ay nakahimlay sa kanilang bahay sa 34 Loro St., Viliillia Village, Novaliches, Q.C., at ihahatid sa huling hantungan sa darating na Miyerkules (Nob. 26) sa Holy Cross Memortial Park sa San Bartolome, Q.C.