Mga laro sa Sabado (Rizal Memorial Baseball Diamond):

7am -- ADMU Srs vs. ILLAM

10am -- Adamson vs. Philab

Nanatili sa liderato ang Philippine Air Force at Unicorn matapos kapwa itala ang kani-kanilang ikatlong sunod na panalo noong Linggo kontra magkaibang koponan sa ginaganap na 2014 PSC Chairman’s Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball Diamond.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dinumihan ng Air Force ang dating malinis na karta ng nakatapat na University of the Philippines, 8-4, habang pinalasap ng Unicorn sa National University ang una nitong kabiguan, 16-6, upang kapwa manatiling walang talo sa torneo na pagbabasehan upang makabuo ng pambansang koponan.

Pinanatili naman ng nagtatanggol na kampeong Philab na buhay ang tsansa na muling makatuntong sa kampeonato matapos na ipalasap sa University of Santo Tomas ang ikalawa nitong kabiguan, 16-0.

Nagwagi noong Sabado ang ILLAM kontra BULSU, 4-0, habang tinalo ng Adamson ang Ateneo De Manila Juniors, 5-3. Nanalo naman ang Ateneo De Manila Seniors kontra sa Rizal Technological University, 4-1.

Magkakasalo naman sa apat na koponang ikalawang puwesto na may 2-1 panalo-talong kartada ang ADMU Srs, Adamson, ILLAM at Philab habang magkasalo sa ikapito at ikawalong puwesto na may bitbit na 1-1 panalo-talong karta ang NU at UP.

Napatalsik naman sa kampeonato bunga ng nalasap na dalawang kabiguan ang RTU (1-2), UST (1-2), BULSU (0-2), ADMU Jrs (0-2) at ang BASC (0-2).