Magtutungo sa Tacloban City ang Senate Committee on Housing and Urban Development na pinamununuan ni Senator JV Ejercito para kumustahin ang rehabilitasyon ng gobyerno sa mga lugar na nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ noong nakaraang taon.

Sinabi ni Ejercito na sa Nobyembre 27 ay sasamahan sila ng mga eksperto sa mga rehabilitasyon at reconstruction upang personal na makita ang tunay na kalagayan ng mga nasalanta ng bagyo.

Ayon kay Estrada, karamihan sa mga nasalanta ay nakatira pa rin sa mga tolda o tent kahit pa maraming tulong na natanggap ang bansa.

“Proper investigation should be done to know the reason why despite huge donations and relief efforts from various organization and individuals, no permanent relocation sites have been constructed for the typhoon victims,” sabi ni Ejercito
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’