Dwight Howard, Jason Terry, James Harden

HOUSTON (AP) – Hindi nakapaglaro kontra Dallas ang center ng Houston na si Dwight Howard kahapon dahil sa strained right knee.

Ito ang ikalawang sunod na laro na hindi sumabak sa aksiyon si Howard, kasunod ng pagkaka-sideline niya noong Huwebes laban sa Lakers at wala pang kasiguraduhan kung kailan siya makababalik.

Nalasap ng Rockets ang magkasunod na pagkatalo makaraang buksan ang season sa 9-1.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Howard ay nagtala ng averages na 18.8 puntos, 11.3 rebounds, at 2.3 blocks kada laro sa kanyang ikalawang season sa Houston.

Ang rookie na si Tarik Black ang posibleng pumalit sa kanya bilang starter.