Christian Bautista

MY ideal age to get married before is 30, pero hindi nasunod kasi 33 na ako at still single,” napangiting sabi sa amin ni Christian Bautista nang kumustahin namin kung kailan siya ikakasal. “Sana next year, meron na, ha-ha-ha. Ready na naman ako, ‘kaso wala pa.”

Magkakaroon muna ba siya ng anak bago magpakasal?

“Well, I follow the teachings of my parents has taught me, church has taught me, so kanya-kanya naman ‘yan, ‘di ba… your own set of views in the world,” sagot ng singer. “My view is to follow what my parents has taught me.”

National

LPA sa loob ng PAR, naging bagyo na rin; 11 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal No. 1

Kaya kampante si Christian na wala siyang anak sa pagkabinata.

“Confident naman na wala. DNA test lang ang katapat n’yan.”

Paano kung aksidenteng may nangyari sa kanila ng girlfriend niya ‘tapos may nabuo pero hindi ito handang magpakasal?

“Hindi mo mapipilit ‘yun, eh, so kung may mabuo at hindi pa ready ‘yung babae, irerespeto ko siya. Pero ‘yung anak, ipaglalaban ko na pareho kaming may rights. Ako right to see, meron kasi ibang babae, ayaw ‘yung anak, pero iba gusto,” pananaw ni Christian.

Walang kaso kay Christian kung umibig siya sa single mom.

“Yes, I will be willing to marry her, kasi it’s not fair na kapag nagkamali siya or ako, eh, itataboy mo na lang. So may responsibilidad ka do’n at nangyayari ‘yun to some friends of mine whether in the industry or not or whether together or not, ‘yung anak, eh, tinutulungan pa rin.

“’Daming kuwento like Jennylyn (Mercado) and Patrick Garcia, ngayon okay na, ring bearer na nga (si Jazz sa kasal ni Patrick at magiging asawa nito),” paliwanag niya.

May lahi ba sila na nagiging matandang binata o dalaga?

“Mabilis kaming mag-asawa, ako lang yata ang pinakamatagal, ‘yung dalawang kapatid ko may girlfriend na. Sabi ko nga sa kanila, ‘oy, kung gusto na ninyong magpakasal okay lang, mauna na kayo walang problema,” natawang sabi ng binatang singer.

Si Christian ang panganay sa magkakapatid at hindi naman daw siya pini-pressure ng magulang niya na bigyan sila ng apo.

“’Yung lola ko nangungulit, 90 plus na kasi siya,“ dagdag na kuwento niya.

Noong bata-bata ay marami rin siyang kapilyuhan, pero hindi na niya ikinuwento sa amin.

“Sa akin na lang ‘yun, ha-ha-ha. Too bad to say.”

Inamin niya na kung minsan ay naiinggit na siya sa mga kaibigang nag-asawa na, tulad ng naugnay sa kanya noon na si Karylle na asawa na ngayon ni Yael Yuzon.

“Sorry ha?” natawang sabi sa amin, kasi nga boto kami sa kanilang dalawa. “Ang ganda ng kanta namin (ni Karylle sa kanyang bagong album), After All,” dugtong pa.

Hindi naman daw seloso si Yael dahil, “One of the links ako sa kanilang dalawa kaya hindi siya nagseselos. Cool kausap si Yael, pareho kaming nagba-basketball,” say pa ng singer.

May pabirong nagtanong, bakit sa kanya hindi nagseselos si Yael samantalang kay Vice Ganda…

“Ay, hindi na ako makikisawsaw d’yan,” natawang sagot ng binata.

Samantala, single pa rin si Rachel Ann Go na planong dalawin ni Christian sa London sa Enero. Posible ba ang reconciliation lalo’t ang ganda rin ng duet nilang ng The Way We Were na kasama rin sa kanyang Soundtrack album sa Universal Records?

May pinagdaanan daw kasi sila ni Rachel kaya ang The Way We Were ang napili nilang kanta, pabirong sabi ng binata.

“Hanggang ngayon magkaibigan kami, hindi naman malungkot na kanta, eh. Kasi it’s the laughter you remember so it’s a bitter-sweet (song). Okay kami ni Rachel, friends pa rin. Wala bang possibility for reconciliation? “Tingnan natin, pero sa ngayon, walang plan kasi wala lang,” natawang sabi pa niya.

Wish ni Christian na extrovert sana ang susunod niyang girlfriend na puwede siyang mahila dahil introvert siya.

Pero hindi lang si Rachel ang dadalawin niya sa London kundi maging ang kaibigan nilang si Mark Bautista.

“I’m happy for them, sina Mark at Rachel, dumadating sa atin ‘yung news doon na hindi natin pinipilit, hindi natingsinusulat, dumadating dito, so masarap ang feeling,” say pa ng binata.

Kung may dumating na tamang role para sa kanya, gusto rin niyang subukan na mapasama sa musical play sa ibang bansa.

“Kaya dapat mag-aral na akong sumayaw talaga para maging ready. So kung gusto ko talaga ng international career, kailangan karerin ko ang pagsayaw talaga. Hindi naman ini-expect na maging Gary V or Billy Crawford, pero ‘yung confidence lang,” pahayag pa ng binata.

Natagalan bago nasundan ang huling album niya dahil mahirap daw sundan kaya pawang covers ang laman ng Soundtrack: Come What May (duet with Nikki Gil), Up Where We Belong, How Deep Is Your Love, When You Say Nothing At All, After All (duet with Karylle), A Thousand Years, Cruisin’ (duet with Julie Ann San Jose), Way Back Into Love, Love Is All Around, The Way We Were (duet with Rachel Anne Go), Kiss From A Rose, Unchained Melody at ang bonus track na Seasons of Love.