Carla Abellana

MATAGAL na ang may intriga na magkarelasyon na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez maging noong ginagawa pa lang nila ang My Husband’s Lover, na hindi naman nakukumpirma.

Nasundan pa iyon nang muli silang magtambal sa My Destiny pero hindi pa rin umamin ang dalawa.

Ganoon din kahit ilang beses na silang nakikita na laging magkasama, nag-dinner na rin si Tom sa bahay ni Carla at ipinakilala niya sa kanyang family. At lately nga, nagkasakit si Tom na si Carla ang kasamang nagpunta sa hospital for check-up.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Kaya sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XV na entry ng Regal Entertainment sa 40th Metro Manila Film Festival, muling tinanong si Carla sa tunay na status ng relasyon nila ni Tom.

“Nasa dating stage pa rin kami ni Tom and hoping we can be together more often dahil sa busy schedules namin,” nakangiting sagot ni Carla. “Kasi nga ang date namin lagi ko siyang sinasamahan sa hospital. Wala pa rin kaming chance na magkasama nang matagal-tagal. Busy ako sa shooting at taping ng Ismol Family, siya naman sa taping ng daily game show niyang Don’t Lose The Money at iba pang commitments.”

Muntik na kasing magka-hypertension si Tom dahil sa over-fatigue gawa tambak na trabaho. Mabuti na lang naagapan ng kanyang doctor. Kaya everytime na may check-up siya, sinasamahan siya ni Carla.

“Mabait si Tom at very supportive din sa mga ginagawa ko. Wala naman siyang problema sa family ko dahil tanggap nila siya. Kahit sa daddy ko (Rey “PJ” Abellana) nagkakilala na sila nang mag-guest siya noon sa Don’t Lose The Money at wala naman siyang sinabing hindi maganda kay Tom. Siguro kailangan ko pa rin ng time at gusto kong matiyak na p’wede na ako uling makipagrelasyon.”

Sa “Ulam” episode na dinirek ni Jerold Tarog, Carla is reunited with Dennis Trillo. No problem kay Carla na makasama si Dennis dahil ilang movies na rin ang pinagtambalan nila sa Regal Entertainment at sa TV. Hindi man sila ang magkatambal sa My Husband’s Lover, comfortable na siyang katrabaho ang mahusay na actor.

Pabirong sagot ni Carla nang tanungin tungkol sa title ng kanilang episode na “Ulam”, ewan daw kung makakakain nang maayos ang moviegoers kapag napanood ang kanilang story, pero hindi na siya nagdetalye.

“Meron kasing hiwaga sa bahay na tinuluyan naming mag-asawa (Dennis), isang nilalang na nakakatakot talaga ang hitsura na gusto niya kaming patayin. Kahit alam naming special effects lang iyon, totoo pa rin naming nararamdaman. Ilang beses nga akong pinanindigan ng balahibo, dumarating pa lang ako sa bahay na ginamit namin sa story. Kaya naman pumapasok pa lamang ng bahay, dasal na ako nang dasal na huwag akong maapektuhan. Kaya nang matapos na ang shooting namin, nakahinga na ako nang maluwag, iba kasi talaga ang nararamdaman namin sa set.”

Ang dalawa pang episode ng Shake, Rattle & Roll XV ay ang “Ahas” nina Erich Gonzales at JC de Vera at “Flight 666” nina Lovi Poe at Matteo Guidicelli.