Inilabas na ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) ang closed circuit television (CCTV) footage na may mukha ng gunman ni PO3 Ronaldo Flores, ang miyembro ng Manila Traffic Enforcement Unit na pinatay noong Nobyembre 13 ng gabi, sa Legarda, Quiapo, Maynila.

Nagpakalat na rin si Sr. Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Task Force Flores, ng nai-print na larawan ng gunman, mula sa kopya ng footage na hawak nila upang mas mapadali ang pag-aresto sa suspek na hindi pa tukoy ang pagkilanlan.

Unang nagpalabas ng P300,000 reward ang MPD para sa pagdakip ng salarin.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20