Naghalinhinan ang isang mag-ama sa pananaksak hanggang sa mapatay ang lalaking nakaaway ng isa sa kanila sa General Trias, Cavite, noong Biyernes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Divine Grace Medical Center si Rheymarc Rebanal, 21, tubong Camarines Norte, at nakatira sa Purok II Tejero, Gen. Trias.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang isa sa suspek, isang 17-anyos na lalaki, habang pinaghahanap pa ang ama niyang 47-anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 7:00 ng gabi nang magtalo si Rebanal at ang nakababatang suspek dahil sa kakulitan ng lasing na biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakita ng nakatatandang suspek na may kasagutan ang anak kaya namagitan siya pero humantong sa pananaksak ang komprontasyon.