NEW YORK (AP) — Hinirang ng People magazine ang Thor aktor na si Chris Hemsworth bilang “Sexiest Man Alive” ngayong 2014

Nang tanungin ang aktor kung sino ang mga gusto niyang pasalamatan, sinabi niya na ang kanyang magulang, “for putting this together.”

Kasama ni Hemsworth sa mga pinarangalan sina Bradley Cooper, Ryan Reynolds, Brad Pitt, George Clooney, Patrick Swayze, Sean Connery, Ben Affleck, Channing Tatum at Adam Levine. Ang isa pang Australian na si Mel Gibson ang nanguna noong 1985.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang 31 taong gulang na aktor na nagbida sa Thor: The Dark World at ang kanyang asawa na si Elsa Pataky ng Fast and Furious 6, ay nabiyayaan ng tatlong anak. Ang nakababatang kapatid ni Chris na si Liam ay bida naman sa The Hunger Games: Catching Fire.

Sinabi ni Chris Hemsworth sa People na ang award na kanyang natanggap “bought me a couple of weeks of bragging rights” sa kanilang tahanan kasama ang kanyang asawa.

“I can just say to her, ‘Now remember, this is what the people think, so I don’t need to do the dishes anymore, I don’t need to change nappies. I’m above that. I’ve made it now’”.