Nagdaos ng misa at nagsagawa ng prorama ang mga kaanak ng biktima ng Magundanao massacre sa Sitio Masalay,Barangay Salman, Ampatuan, Maguindao bilang paggunita ng ika-5 anibersaryo nito.

Sa pamumuno ni Emily Lopez, presidente ng Justice Now Movement (JNM) kinumpirma nito ang pagdaraos ng misa at simpleng programa.

Kasabay nito gugunitain ng ikalimang taon ng malagim na pagpatay ng 58 katao, 34 dito ay mga mamamahayag, noong Nobyembre 23,2014.

Kasama sa programa ang pananalangin, bulaklak at pagsindi ng kandila para sa mga biktima ng massacre.

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'

Makikibahagi ang iba ibang kasapi ng media at ang grupo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Ang hindi makakasama na mga kaanak ng Maguindanao massacre victims ngayong Sabado ay inaasahang bukas na lamang tutungo sa site kasama si Department of Secretary (DoJ) Secretary Leila De Lima.

Nagpapasalamat ang grupo sa mga sumusuporta sa kanilang panawagan na hustisya para sa mga namatay nilang mahal sa buhay.