NAGING isa sa mga sikat na young star noon ang comebacking actress. Ang loveteam nila noon ng aktor na paminsan-minsan pa rin namang lumalabas sa mga pelikula at telebisyon ang pinakasikat noong kapanahunan nila.

Noong kasikatan nila, bukod sa pinag-aagawan sa shows here and abroad ay nakagawa rin sila ng ilang pelikula na naging super blockbuster hit. Kaya itinuring sila bilang “precious jewels”noon ng movie producer na hindi na aktibo ngayon.

In fairness, nasa tugatog na rin naman ng tagumpay si Aktres nang ipinagpalit niya ang showbiz career sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Pero pagkatapos ng isang dekada ay nagbalikbayan si Aktres at nagbabalik din sa showbiz.

Bukod sa TV career, binalikan na rin niya ang singing career. Nakailang Gold Record album din naman kasi siya noon kahit may mga tsika na dinoktor ang boses niya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa isang show ng aktres para sa promo ng kanyang album, inawit niya ang carier song pero marami sa mga nakapanood at nakapakinig sa pag-awit ni Aktres ang nagulat at nakaramdam ng awa sa kanya.

“Pumiyok talaga siya at hindi lang isang beses. Paulit-ulit. Sana nga lang, eh, huwag na niyang ambisyunin pang may career pa siya sa mundo ng musika. Mabuti pa sa telebisyon, eh, mapakinabangan pa rin naman ang talent niya,” sey ng isang kamag-anak ng comebacking actress.