HINDI full-length kundi isang episode lang ang idinirek ni Bb. Joyce Bernal sa trilogy movie ni Vic Sotto, ang My Big Bossing Adventures, isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Ang episode ay may pamagat na “Ang Prinsesa” na pinagbibidahan nina Bossing Vic at Ryzza Mae Dizon.

Katumbas daw ito ng tatlong pelikula na ginastusan ng malaki. Ayon kay Direk Joyce, mas mahalaga kay Vic na masiyahan ang bawat manonood na taun-taong nag-aabang sa taunang festival. Bonus na lang daw na maituturing kung manguna sila sa takilya na palaging nangyayari sa mga nakalipas na taon.

Maagang pamasko para kay Joyce na finally ay nadirek niya ang dalawang super sikat na personalidad. Last year pa siya inalok ni Bossing Vic pero umatras siya dahil may ibang commitments na siyang nasagutan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kumusta ang working relationship nila ng host ng Eat Bulaga?

“Sobrang cool si Bossing Vic at sa kabila ng pagiging producer at aktor ay nananatili ang kanyang pagiging mapagkumbaba. Patas ang pagtingin niya sa lahat. Kung ano ang kanyang lunch meal ay ganoon din ang crew. Open siya sa suggestions at malaki ang tiwala niya sa direktor,” sagot ni Joyce.

Ang “Prinsesa” episode ay pangatlong MMFF movie ni Joyce. Marami na rin siyang nagawang pelikula under Star Cinema at Viva na pawang tumabo nang husto sa takilya.