Angeline Quinto

MAY buy and sell business pala ng mga kotse si Angeline Quinto. Nag-post kasi siya sa Instagram niya ng yellow Chevrolet Camaro at may caption na, “Thanks Erik” na obvious namang ang special friend niyang si Erik Santos.

Tinanong namin ang taong malapit sa singer/actress kung bigay ni Erik Santos ang mamahaling kotse, “Hindi, ‘binebenta niya ‘yun. Si Angeline, nagba-buy and sell ng mga sasakyan, may ka-partner siya, ‘yun ang business niya. Kaya kung gusto mo ng sasakyan, sa kanya ka kumuha,” sabi sa amin.

Bongga ang sideline business ni Angeline. So, hindi lang ang pagkanta at pag-arte ang inaasahan niyang pagkakakitaan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Ano ka ba, negosyante talaga ‘yang si Angeline, di ba nga noong hindi pa ‘yan sikat, nagtitinda-tinda ‘yan sa Sampaloc ng kung anu-ano. Tindera ‘yan dati kaya sanay ‘yan sa ganyan,” sey ng source namin.

Napakasuwerte ng lalaking makakatuluyan ni Angeline dahil bukod sa masinop at masikap sa buhay ay marunong pa sa lahat ng gawaing bahay lalo na sa pagluluto, di ba, Bossing DMB?

(Hmp, kung anu-ano ang niluluto. Halimbawa, hindi niyog ang iginagata sa laing, gatas, he-he.... --DMB)

Ilang taon pa lang si Angeline sa showbiz, pero nakapundar na agad ng malaking bahay sa isang mamahaling subdivision at naipagawa na rin ang bahay nila sa Sampaloc bukod pa sa may pag-aari rin siyang condo unit na malapit sa ABS-CBN.

Samantala, hindi namin sigurado kung ngayong araw ang kaarawan ni Angeline pero binigyan na siya ng surprise advance party ng special friend niyang si Erik sa bahay nila kasama ang ilang kaibigan.

In fairness, super-sweet sina Erik at Angeline sa naka-post na pictures kaya naniniwala kaming sila na talaga maski hindi nila aminin.

At naaliw ako sa katwiran ni Angeline kung bakit ayaw pa raw niyang sagutin si Erik. Baka raw kasi mabuntis siya. Hala, nakakabuntis na ba ang pagsagot ng ‘oo’ sa manliligaw?

Sabagay, kilala natin si Erik Santos, ha-ha-ha, di ba, Bossing DMB?

(Susme, ayoko na lang magsalita, ha-ha-ha! --DMB)

Anyway, happy birthday Angeline, sana hindi ka magbago at manatili kang nakatapak sa lupa.