TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Masuwerteng nagawi sa pampublikong sementeryo ang nagpapatrulyang mga operatiba ng Tacurong City Police at nailigtas nila ang dalawang dalagita sa panggagahasa sana ng isang lalaki na labas-pasok sa kulungan dahil sa parehong kaso, magtatanghali noong Nobyembre 17, 2014.

Batay sa pahayag ng mga biktima na kapwa 14-anyos at estudyante sa Grade 9, nakilala nila noong Setyembre sa isang pistahan at kalaunan ay naging text mate ang suspek na si Jason Christopher Jamio.

Anila, nitong Lunes ay nag-text sa kanila si Jamio at nagkita sila sa isang gasolinahan hanggang sa nagawi sila sa sementeryo at dito na umano sila tatangkaing halayin ng suspek. - Leo P. Diaz

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20