PHOTO-VICE-GANDA-copy

KUMPIRMADONG babalik na sa It’s Showtime si Vice Ganda.

Pagkaraan ng ilang linggong pamamahinga, balik hosting na si Vice sa noontime show ng ABS-CBN.

Idinahilan ni Vice Ganda ang kanyang throat condition kaya pansamantala siyang nagpahinga sa naturang programa. Pero may ibang dahilan na ibinulong ng aming spy sa Dos.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Very reliable ang source naming ito, na isa sa mga staff ng isang programa ng nangungunang TV network, na ang bulong sa amin ay nakakaalitan ni Vice ang isa sa mga namamahala ng show.

May mga nakarinig kay Vice habang sinasabi sa isang kasamahang host na hangga’t hindi humuhupa ang galit niya sa nasabing namamahala ng show ay hindi niya babalikan ang pagho-host ng It’s Showtime.

Kaya sabi ng source ngayong nakatakda nang bumalik sa show si Vice, maaaring nagkaayos na ang dalawang nagkatampuhan.

Pero ang ipinagtataka lang ng source namin, sa ipinatawag na staff meeting ng It’s Showtime ay hindi niya namataan ni anino ng staff na nakaalitan ni Vice.

“Sa totoo lang naman kasi, kung kapakananan ng show ang pag-uusapan karapat-dapat naman na kampihan ng management si Vice,” sey pa ng source namin.

Baka raw tinanggal na sa show ang pobreng exec. Sino nga ba naman siya kumpara kay Vice Ganda?

May kinalaman daw sa nangyari sa Canada ang ugat ng alitan ni Vice Ganda at ng binabanggit na namamahala ng show.

Iniimbestigahan pa namin kung ano ang nangyaring ito. Isusulat kaagad namin kapag alam na namin ang buong isyu.