Matapos bulabugin ng kanyang konsensiya, nagbigti ang isang ama – na nasa likod ng pagsunog sa kanyang dalagita gamit ang paint thinner – sa loob ng isang moseleo sa Manila South Cemetery sa Makati City noong Sabado ng gabi.

Nadiskubre ang malamig na bangkay ni Emmanuel Santos, 39, isang sepulturero, na nakabitin sa isang moseleo sa Manila South Cemetery dakong 8:00 ng gabi noong Sabado ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Ayon sa pulisya, nagbigti si Santos – na kilalang gumagamit ng ilegal na droga – gamit ang isang nylon cord.

Ilang araw na nagtago si Santos sa awtoridad matapos itong isangkot sa panununog ng kanyang 11-anyos na babaeng anak noong Martes.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Agad na rumesponde ang isang pinsan ng biktima habang ito ay nagliliyab kaya’t tinulungan nitong maapula ang apoy sa kanyang dibdib, braso at binti.

Bunsod ng tinamong second degree burn, isinailalim ang biktima sa operasyon sa Ospital ng Makati kung saan binalikat ng lokal na pamahalaan ang gastusin nito sa pagpapagamot.