Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)

2 pm -- Cignal vs Mane ‘N Tail (W)

4 pm -- Foton vs RC Cola-Air Force (W)

6 pm -- PLDT-Air Force vs Maybank (M)

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Nalusutan ng Petron ang ilang pagkakamali hanggang sa huli bago naisakatuparan ang thrilling 25-18, 25-12, 18-25, 16-25, 16-14 victory kontra sa Cignal sa pagpapatuloy ng aksiyon ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Cuneta Astrodome.

Habang kumulimlim si import Alaina Bergsma mula sa kanyang deadly form, kinuha ni Dindin Santiago ang oportunidad upang pamunuan ang Blaze Spikers at panatilihing malinis ang kanilang kartada sa women’s division ng prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Inasinta ni Santiago ang 18 kills, 2 blocks at 3 aces para sa kabuuang 23 puntos habang nag-ambag sina Carmina Aganon at Frances Molina ng tig-16 markers sa Petron, nakita ang sarili na nasa peligro na matapos na maglunsad ang Cignal ng napakatinding paghahabol sa third at fourth sets bago nagsagawa ng napakalaking upset sa huling bahagi ng laro sa deciding set.

Nakuha pang itabla ng HD Spikers ang laro sa 14 sa fifth set, ngunit nakamit ni Cherry May Vivas ang crucial service error at maitakda ni Lindsay Stalzer ang attack error, iniwan ang Blaze Spikers sa napakagandang posisyon.

“Today, our will to win was tested,” saad ni Petron coach George Pascua. “Cignal is a tough team. We were expecting this game to go down the wire. We had trouble with our reception and committed a lot of errors. I’m glad we regained our composure in the fifth set to clinch this victory.”

Tila nawala naman sa kanyang porma si Bergsma, ang standout na mula sa Oregon, sa kasagsagan ng limang sets kung saan ay tumapos ito na mayroong 15 puntos habang ang kanyang partner, si Erica Adachi ng Brazil, ay nakapagdeliber ng 57 excellent sets.

Kaugnay sa panalo, pinahigpit ng Petron ang kanilang pulso tungo sa liderato na taglay ang anim na magkakasunod na panalo habang bumagsak ang Cignal sa ikatlong pagkatalo sa anim na panimula.

“We’re now 6-0 and it’s a pretty big responsibility on our part,” pagmamalaki ni Pascua. “We have to bring our A-game in the next few games to sustain our momentum all the way to the finals.”

Subalit muntik nang kumawala sa Blaze Spikers ang ginintuang oportunidad upang manatiling walang talo.

Matapos ang magaan na panalo sa unang dalawang sets, napasakamay ng Petron ang napakaraming unforced errors na sadyang nag-iba sa kanilang laro, na nagbigay sa Cignal upang agawin ang panalo.

Tinutukan ni Stalzer ang attack zone habang si Sarah Ammerman ang nagsagawa ng pag-atake sa fourth set kung saan ay ikinasa ng HD Spikers ng napakalaking 20-9 advantage na nagdala sa laban para sa extra set.

Tinangkang sustenahin ni Ammerman ang nakalululang performance sa fifth set, subalit tila naubusan ito ng gasoline kung saan ay nakamit nito ang net violation bago sumablay ang service ni Vivas na magbibigay sana sa HD Spikers ng match point.

Tumapos si Stalzer na mayroong 27 puntos habang nagtala si Ammerman ng 17 markers para sa Cignal, sumadsad sa ikatlong puwesto sa likuran ng RC Cola-Air Force.