LONDON (AP)- Isa na namang napakagaan na panalo para kay Novak Djokovic, subalit kung tutuusin ay isa ito na ‘di niya makalilimutan.

Ang selebrasyon ng Serb sa O2 Arena, matapos na sumablay si Tomas Berdych sa kanyang final shot, ang nagpalakas sa kanyang tono. Itinaas ni Djokovic ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo kung saan ay tila isa itong umaktong tigre habang nagsasaya. Ang kanyang komportableng 6-2, 6-2, win kay Berdych ang nagselyo sa isa pang year-end No. 1 ranking at semifinals berth sa ATP Finals.

‘’Being No. 1 of the world is the pinnacle of the sport,’’ saad ng 27-anyos na si Djokovic.

‘’One of the highest and most difficult challenges is to be No. 1 nowadays, especially because the tennis has become very competitive in the last five, ten years, very physical. To have a shot at No. 1 of the world, you need to be consistently healthy and successful throughout the year.’’

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Kahalintulad nina Marin Cilic at Stan Wawrinka sa kaagahan ng linggong ito, nadispatsa si Berdych sa napakagaan na laro, ibinigay kay Djokovic ang ‘di mapigilang puntos upang ungusan si second-ranked Roger Federer.

Sumadsad si Berdych sa kanyang unang dalawang service games kung saan ay kinuha ng Serb ang control mula sa baseline. Muling umatake si Djokovic sa second set na gamit ang napakatinding forehand winners, powerful returns at net charges na nag-iwan kay Berdych na tila na-stranded.

Tatapusin ni Djokovic, ang Wimbledon champion, ang season bilang No. 1 sa ikatlong pagkakataon sa apat na nagdaang taon. Siya ang ikapitong manlalaro na naisakatuparan ang hinahangad na kampanya sa halos tatlong beses.

‘’I believe everything happens for a reason. So I’m here for a reason, and I managed to finish the year as No. 1 for a reason,’’ pagmamalaki nito.