SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan – Tatlong lalaki, kabilang ang isang menor, ang inaresto ng pulisya matapos isangkot sa panggagahasa ng isang dalagita sa Barangay Martin IV sa siyudad na ito.

Kinilala ni Supt. Charlie Cabradilla, hepe ng San Jose del Monte Police Station, ang mga naaresto na sina Ravishing Enovidad Cruz, 22, ng Block 247, Lot 14, Area D; CJ Alfred Bilbao Samson, 19; at isang menor na hindi pinangalanan ng awtoridad.

Lumitaw sa imbestigasyon na nag-iinuman ang mga suspek kasama si “Jenny” (hindi tunay na pangalan) dakong 7:00 ng gabi noong Lunes, at nang malasing na ang dalagita ay pinagtulungan umano ng tatlo na hubaran at halayin ang 15-anyos na biktima.

Nang magising kinabukasan ng umaga, agad na umuwi si Jenny upang magsumbong sa kanyang ina sa malungkot na sinapit nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad nagtungo ang magina sa barangay at pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlo. - Freddie C. Velez