Dalawang batang lalaki ang namatay nang tamaan ng bala ng sumpak ng kanilang kapitbahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot ang mga biktima na sina John Rey Claraval, 8, Timothy Joshua Mapalad, 7, mga residente ng Pinagpala Extension, Area 4, Barangay Pinalagad ng nasabing lungsod. Isa pang biktima na si Ronnie Montemayor, 28, ang isinugod sa Valenzuela City Medical Center (VCMC).

Kaagad namang nadakip ng mga tauhan ni P/ Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela Police ang suspek na si John Carlo Bayagosa, 24, kapitbahay ng mga biktima.

Ayon kay PO2 Robin Santos ng Station Investigation Unit (SIU), dakong 1:00 ng hapon, nagkasugatan sina Bayagosa at Montemayor sa Area 4, Pilanalagad, Barangay Malinta. Umuwi umano ng bahay ang suspek at pagbalik ay binaril ng sumpak sa kanang kamay si Montemayor.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil bala ng de-sabog ang ibinala sa sumpak, tinamaan ng ligaw na bala ang dalawang bata na noo’y naglalaro sa kalsada.

Kasong two counts of homicide, frustrated homicide at illegal possession of firearms and ammunition ang kinakaharap na asunto ng suspek.