QUITO (AFP)—Kabilang ang mga polar bear, whale, shark at gazelle sa 31 bagong species na pinagkalooban ng bagong protection status ng UN conservation body, matapos ang anim na araw ng matinding pag-uusap ng mga nangungunang conservationist.
Sinabi ng UN Conservation of Migratory Species of Wild Animals (CMS) noong Linggo na ang anim na araw na “intense negotiations” ay nagbunga ng isang bagong proteksyon para sa maraming migratory species ng ibon, isda at mammal.
Isang rekord ng 21 species ng shark, ray at sawfish ang isinama sa listahan.
Pasok din sa listahan ang polar bear, matatagpuan sa Arctic, at ang widely-distributed Cuvier’s beaked whale.
Kasama rin sa mga bagong prinotektahan ang red-fronted gazelle, karaniwan sa Africa, at ang great bustard, na matatagpuan sa Europe at Asia.
Ang pagpoprotekta sa mga hayop na ito ang susi sa overall environmental conservation.
“Migratory animals have become the global flagships for many of the pressing issues of our time,” sabi ni CMS executive secretary Bradnee Chambers.
“From plastic pollution in our oceans, to the effects of climate change, to poaching and over-exploitation, the threats migratory animals face will eventually affect us all.”
Mahigit 900 eksperto mula sa 120 bansa ang nagsama-sama para sa anim na araw na pagpupulong.
Ang conference ay ang best-attended sa 35-taong kasaysayan ng organisasyon, at pinuri ng CMS ang “unprecedented” level of attention sa topiko.
Sinabi ng director ng UN Environment Program, na namamahala sa CMS, na napakahalaga ng pandaigdigang interes sa animal protection.
Ang susunod na CMS meeting ay gaganapin sa Pilipinas sa 2017.